Winny Retail  Management....Mag-ingat

Isang Paalala para sa mga nais mag Saudi


Isang paalala para sa lahat ng mga Pilipinong naghahangad na makaalis ng bansa para lamang iangat ang kabuhayan nang kanilang pamilya dito.  Para sa kaalaman ng lahat, ang mga taong kumakausap sa inyo at kayo'y iniimbitahan para sa isang "interview"  ay sangkot lahat sa panloloko at ilegal na pagpapadala nang tao sa ibayong dagat.  Narito ang ilang salaysay ng ating mga kababayan na pinahirapan at kasalukuyang nire-recruit ng kumpanyang ito.

"Nakapasok na ba kayo sa Al Olayan company sa saudi arabia?Anong masasabi ninyo dito ? Nagakaroon kasi ng maltreatment ang isa sa mga naging empleyado dito , halos hindi siya binabayaran ng pasahod! just to inform the public na beware kayo dito! pakishare naman sa ating mga kababayan ang panganib sa pagpasok dito sa companyang ito. Salamat." - Bady

"
Parang hindi yata kapani-paniwala yan. Isa sa pinakamalaking companies sa Saudi Arabia ang Olayan. May Olayan Financing, Olayan-Arabian Business Machines, Olayan-Coca Cola, atbp. Pati nga ako naga-apply diyan noon, hindi nga lang ako matanggap. Ang laki pa nga nilang magbigay ng bonus. Baka nagkakamali ka lang kabayan. I-verify mo munang mabuti ang information na nakuha mo. Kilala ko Finance Manager nilang Dutch - si Frank Vermeulen at iyong Chief Accountant nilang pinoy na si Bert Rondario, dating PICPA president. Siguradong hindi nila gagawin iyon dahil malaking kasiraan iyon sa Olayan pag nagkataon." - dating ofw

"kabayan ang olayan na sinasabi ko ay dealer ng car accessories sa saudi arabia riyadh at may base sa uae , base sa experience ng kasamahan kong pumunta doon pinalayas siya at hindi pinasweldo, maniwala kayo sa hindi humihingi ng tulong ang kasamahan namin ngayon doon kasi pati passaporte nasa kompnya hindi binigay, sa ngayon palaboy laboy sya sa kalye . humihingi ng tulong!!!!!!!!!!!!!!" - Bady

"Ah kung yun nga, medyo may pagkabalasubas talaga yun. Nasanay kasi sa mga tauhan nilang mura - Nepal, Sudan, atbp. Bagsak presyo mga tinda nila kaya doon bumabawi. Ireklamo na lang kamo nila sa POLO office sa Riyadh, Tel. 483-2201 or kontakin directly si Labatt Resty Dela Fuente, Cell 0565266270. Puwede mo ding ilapit kay Gina Abitona, Cell 0502226232 ng grupong TUPA (Tulong sa Pilipinos Abroad). Ilalapit niya iyon sa mga FilCom leaders. " - datingofw

"Yung Olayan Car Accessories kasi ay hindi member ng Olayan Group of Companies. Kung baga dito sa Pilipinas, malaking pamilya ang Olayan. Para silang Ayala Group.

Kung hindi maganda ang kumpanyang ito, aba nakaka-kaba...kasi kung sakali first time ko sa Saudi at kung dito ako mapupunta, aba'y hindi magandang balita ito para sa pamilya ko..."
- Shaider

Ito naman yung isang nagtatrabaho sa kumpanya ng Olayan Car Accessories na sinasabing affiliated daw sila ng Olayan Group of Companies.

"first of all, i have no intention of putting anyone into a mishap like me. so please bear in mind what i am going to say.

I also worked for olayan car accessories ( kung may nagbabasa man sana na taga OWWA or any agency read this.)

manloloko ang olayan na yan. pinalayas ako sa accomodation! hindi ako pinasweldo ng 3 buwan hiningian pa ako ng pera na 1500 para daw umuwi na ako. pinahirapan ako nakaranas ako matulog sa kalye magtrabaho sa construction at ang pinakamalupit pa nito. hanggang ngayon ndi binibigay ang passport ko.

eto diretsa kong sinasabi sa inyo. humingi na ako ng tulong sa embassy kay consul general at kung sino sino pa, WALA SILANG MAGAWA. ewan ko ba kung nasuhulan na sila nitong walang pusong olayan na ito.

lahat ng kasinungalingan sasabihin sa iyo. sa totoo lang banned na ito sa pagkuha ng working residency permit dito sa saudi ginagamit nya ang mga kung sino sino para sa VISA. ikaw subukan mo kaibigan kung gusto mo. ipabasa mo sa marunong magbasa ng arabic ang makukuha mong VISA at makikita mo na hindi si olayan ang sponsor sa VISA mo.

sa mga kababayan natin nag iisip magpunta sa saudi, ndi ko nilalahat pero pag natanggap ninyo ang VISA ninyo siguraduhin ninyo sa skilled yan. pag laborer, technician, driver o yung mga mababang trabaho hindi sakop ng labor law yan dito. ewan ko ba bakit walang nag po post nyan dito. kasi non-transferable ang iqama mo pag ganyan ang classification ng iqama mo. ibig sabihin mapipilitan kang tiisin ang hirap, lalong lalo na sa isang olayang manloloko

at isa pa, sasabihin sa iyo ng mga galing saudi na oo maganda ang olayan malaking company yan. mali po. hindi yan tunay na olayan ginagamit lang niya ang pangalang olayan.

nilapit ko na ang problema ko sa mga ahensya dito may mga letters na ako ng OWWA pero wala pa din, nandito pa din ako sa Saudi tinitiis ang hirap. wala naman silang magawa sa problema ko. baka kailangan pa yata ipa TV ko pa ito para lang mapansin ako.

advice lang pare, nasa sa iyo pa din yan, pero advice ko nagsasayang ka lang ng oras. oo nandyan na ang pagkakataon mo kasi nga sasabihin sa iyo ready na lahat flight mo na lang. oo totoo yan lilipad ka talaga abroad pero pag hawak na nila ang passport mo, dyan na magsisimula ang kalbaryo mo. marami dyan kaibigan na mas maganda, wag mo nang pangarapin ang magaya ka sa amin 10 ng kasama ko.

isa pa ang HR na kausap mo na pinoy at ang manager na pinoy na kausap mo ang siya ding maglulubog sa iyo sa lupa. yang dalawang yan ang salot sa lipunan na dapat nang maalis sa mundo salot ng pinoy yan.

nasa sa iyo kapatid kung maniniwala ka o hindi ako ay nag bibigay lamang nang naging karanasan ko sa walang pusong olayan na yan

hindi nga pala company yan establishment lang yan hindi sila pwede maging company kasi may totoong olayan company na.

nasa sa iyo pa rin ang desisyon kung gusto mo paniwalaan ang sinasabi ko. maswerte ka at nabasa ko itong thread mo. ikaw na bahala sa next move.

pero kung nasa pinas lang ako papahuli ko sa pulis yan madami nang pinahirapang tao yang si olayan dito.

kung gusto mo pa ng proof ibibigay ko sa iyo lahat ng pangalan ng nagtratrabaho dun kung gusto mo. i confirm mo kung tama ako o mali..just to prove my claim.

ayaw ko may matulad pa sa amin nang pinahirapan pa.

GOD Bless kaibigan..
" - Saudiurbanpro

"salamat sa lahat ng nag bigay ng address ng mga taong pwedeng lapitan o mahingaan ng tulong para makauwi ng Pilipinas.

magugulat kayo sa sasabihin ko kung gusto ninyo ng proof bibigyan ko kayo email nyo lang ako sa
[email protected].

Last May 2008 pa ako napa layas sa accomodation ni Olayan, pero last April pa ako pinatigil sa trabaho dahil sinabihan ako ng isa sa mga henchman ni Olayan na papauwiin na daw ako. Ako na mismo ang sumagot sa 1500 Riyals na one way ticket at bukod dun ndi ko na hinabol ang 3 buwang sweldo na ndi binigay sa akin makauwi lang ako.

Iba ang sponsor ko sa VISA ko at iba din ang employer ko pero mag tiyuhin lang sila. pero magkaiba ang apelyido. ganito ang ginagawa ni Olayan.. isang taon muna sa ibang sponsor tapos ililipat nya sa kanyang pangalan para ma extend ang contract mo sa kanya para umabot ka ng 3 years or more sa kanya.

nag reklamo na ako sa POLO Riyadh noon pang April may endorsement letters na ako galing kay Sen Lacson, Sen Mar Roxas, thingy Gordon, at kay Vice President Noli de Catsro. ang mga letters ay naka abot na sa DFA, OWWA at POEA. pero hanggang ngayon nandito pa din ako sa Riyadh. Nakaka usap ko ng personnal sina Labatt Resty dela Fuente sina Consul General at pati na sina ambassador Villamor pero nandito pa din ako sa Riyadh. 7 months ko na tinitiis ang hirap at sakit ng pagdurusa. Hanggang ngayon parang walang nangyayari sa kaso ko. maliit lang naman ang kahilingan ko. yung makuha ko ang passport ko o ma transfer ako sa ibang employer. o kaya mapauwi na lang dahil wala naman akong ginawang kasalanan, ndi naman ako nagnakaw o nakapatay, mas mabuti pa yung nakapatay napa uwi na samantalang ako ang simple lang ng kaso ko ndi magawan ng paraan.

katulad ng sinabi ko. if you want proof bibigyan ko kayo lahat ng contact number, email at endorsement letters pero hanggang endorsement letter na lang yata talaga ako. alam ko hindi lang ako nag iisa daan daang pilipino ang katulad ko na lumapit na din sa mga kinauukulan pero mas ninais na lang na dumaan sa mahirap na daan pauwi sa Pilipinas.

hanggang ngayon ay nakakatanggap pa din ako ng harassment sa employer ko na ipapakulong nya daw ako ng 10 taon dahil sa illegal na pagtratrabaho sa iba. ano ang gagawin ko para maipantawid ng gutom ano ang ipapadala ko sa pamilya ko na umaasa sa akin. kung ndi ako mag tratrabaho ano ang gagawin ko sa 7 buwan na pag iintay sa mga dapat tumulong sa akin?

salamat sa nag bigay sa akin ng address sa XXX at malamang na sulatan ko sila dito.

salamat sa lahat ng naka intindi at nais tumulong.
" - Saudiurbanpro

"Another victim po ng OLAYAN CAR ACCESSORIES..

Recently lang ho nang magpunta ako sa POLO Riyadh at sa di inaasahan na pagkakataon ay may kababayan tayo na nabiktima nanaman ng OLAYAN CAR ACCESSORIES.

Mga kababayan ang latest pong biktima ng walang pusong arabong ito ay BABAE...

Nag iisa po siyang kinuha sa Pilipinas at dinala dito sa Riyadh Saudi Arabia para mag trabaho bilang secretary.

Ngunit pag dating dito pinangakuan siyang magkakaroon ng kasama within the month pero wala pong dumating ni isa. Hindi pinasahod at ngayon nasa bahay kalinga sa Riyadh..

Wala po ba talagang makakapigil sa MECCAJ MANPOWER AGENCY na matatagpuan sa likod ng PAN PACIFIC HOTEL dyan sa may Manila..

Ilan pa ho bang biktima ang kailangan para mapasara na ang agency na yan.. Kahit sa akin may hawak akong text message nila na "ang sabi kasi sa akin ni Olayan passer by ka lang dito." Pwede ba yun. ngayon naman isang babae naman ang nangangawawa sa kamay ni Olayan. Ndi rin po ba natin pwede i ban sa pagpunta sa Pilipinas itong si Sulaiman Al Olayan??

Tingin ko din ndi rin ito ang ginagamit na pangalan sa passport nito kaya nakakapasok pa ng Pilipinas eh..

Sana matigil na sana ito. ilan ang pinalayas at inabuso ng taong ito na kababayan natin. kung bibilangin halos 10 na ang pinalayas at pinahirapan na ng taong ito, naging undocumented ngayon naman pati babae..

Sana naman meron sanang isang tao na makakita ng thread na ito. Ipasara na ang MECCAJ AGENCY na yan.. hirap na hirap na kami dito tinatanggi naman nila ang tumulong sa amin." - saudiurbanpro

"Iyon pa din sigurado ang gamit niyang pangalan pero malamang ay visa ng ibang tao or kompanya ang gamit nila kaya kahit i-ban ay wa epek." - datingofw

"hi po!!!
actually po i supposed to have an interview with the employer of AL OLAYAN last week but on different agency, its FINEST ASIA located in security land bldg. Ayala ave, cor. Rufino st. makati for Secretary position. Kso po di na ako tumuloy dhil nabasa ko nga po itong post dito regarding sa company. Laking pasasalamat ko po at nabasa ko ito bka sakali nging isa rin ako sa magiging biktima ng company na ito.
" - firsttimerabroad

"Mabuti na lang at hindi ka tumuloy.. salamat naman at nagbabasa ka.

sa mga magbabasa pa po sana ng thread OLAYAN CAR ACCESSORIEs at DRIVE 7 kung maaari po sana iwasan ninyo ang mga company na ito dito sa SAUDI ARABIA pwede hong gamitin ng may ari ang parehong company na ito para maka hire sa pinas at ipasok sa company nila pero sa totoo lang establishment lang sila mayroon hong totoong OLAYAN GCC at ndi sila iyon....

May mga kababayan pa ho tayong nagdurusa hanggang ngayon sa dalawang establishment na ito." - saudiurbanpro

"
FINEST ASIA RESOURCES INC (FOR FILIPINO ARAB RESOURCES INC) Service Contractor
6/F,6797 SECURITY LND CORP.AYALA AVE.VA RUFINO ST. MAKATI
Tel No/s : 8180031 to 33
Email Address : [email protected]
Website : WWW.FINESTASIA.COM
Official Representative : MARY JANE LINSANGAN
Status : Good Standing
License Validity : 03/08/2008 to 03/07/2012


MECCAJ MANPOWER INTERNATIONAL SERVICES Private Employment Agency
RM 312,314, & 318 DISCOVERY PLAZA 1674 MABINI MALATE, MANILA
Tel No/s : 5231722/ 5231934 telefax
Email Address : None
Website : None
Official Representative : CYNTHIA L HAMLIG
Status : Good Standing
License Validity : 02/22/2008 to 02/21/2012


yung dalawang agency na posted ang ginagamit ni Mr. Sulaiman Olayan may ari ng OLAYAN CAR ACCESSORIES para makakuha ng tao sa pinas I never knew FINEST MANPOWER ndi naman ako galing dun sa MECCAJ ang galing.

I have the text message they sent me nun humihingi ako ng tulong nun pinalayas kami.

pinaalis ako sa pilipinas nito ng iba ang contract bound for Jeddah but nasa Riyadh ako iba ang contract ko sa kanila iba din sa OLAYAN CAR ACCESSORIES.

yung babae na pinaalis din at hindi pinasweldo ay galing din sa MECCAJ.
" - saudiurbanpro

"maybe kumuha na din ng ibang agency ung may ari ng AL OLAYAN, kasi po yan ung agency, FINEST ASIA ang tumawag sakin for interview ni MR. OLAYAN. sabi ng agency the comapny is AL OLAYAN CO. (dealer of car accessories) that have diff branches in Riyadh, Qatar, Dubai and Kuwait. Laking pasalamat ko din kasi nabasa ko dito sa forum na marami na din plang nbiktima ang company na ito." - firsttimerabroad

"
What.. Riyadh Qatar Dubai and Kuwait???? lumalala na ang pagiging sinungaling ng Sulaiman Olayan na ito ah.. ndi totoong may mga branches pa siya in this countries....

Theres only one OLAYAN CAR ACCESSORIES AND THAT IS HERE ONLY IN RIYADH. sa mga nainterview nitong si OLAYAN kung ndi ako nagkakamali isa sa mga sinabi sa inyo sa interview is that : " you will be trusted to go to these branches and you will have a chance to travel freely as representing my name"

para lang maka kuha ng tao gagamit ng kahit anong kasinungalingan ang taong ito" - saudiurbanpro


May ipinadalang email si mountainsplash kay saudiurbanpro at ganito ang kanyang naging sagot:

"pards ndi ko nkuha ang PM mo. pero sana we keep this alive. alam ninyo naaawa man ako sa mga kasamahan ko sa trabaho noon pero i have very small time and finances. i want to keep this thred up and running as ever na may makabasa nito sa pinas to warn them about this no good arab. meron ngang bagong hire na engineer bago pa yung babae and siguro he's experiencing the worst na din sa kamay ng 2 pinoy at ni Olayan. i hope he still is in composure.

we just pray that a lot can read this thread and i hope government could read this thread also.
masyado na madami ndi lang naman si A Olayan ang ganito but abusive na kasi masyado yung paghawak nila ng passport mo kapalit ng iqama ginagawa na nilang abuso sa mga OFW hindi lang sa atin kahit sa ibang lahi.

marunong na rin kasi sila manloko and its getting worse. lalo na pag naranasan na nila ang maghirap ndi laging may langis ndi ito habang buhay. hindi lahat mayaman sa saudi unti unti na rin nila natitikman ang halaga ng bagay. mahal na rin bilihin dito ndi nga katulad ng dati..

pero katulad nga nitong arabong ito na si Mr. Sulaiman Al Olayan o Olayan na may ari ng Olayan Car Accessories. believe me sa lahat ng makakabasa nito 3 lang ang Olayan Car accessories 2 maliit lang sa Batha na hindi lalaki sa 200 sq. mtrs ang laki maliit lang at ang isang malaking store. baka nga mas malaki pa ang mall sa baclaran..

I tell you guys i was one who manipulated some pictures of car accessories pics from abroad i dont know if hes showing this pics to you. imitated lang yan. theres no Dubai theres no Kuwait and there no Qatar what he has in Dubai is a small owned place which he lease and thats it

yung calling card is all fake ginaya sa totoong Olayan to make and attract OFW like us..
" -saudiurbanpro

Itutuloy.....